^

Bansa

Ayuda sa pamilya ng 4 sundalo tiniyak ng AFP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ayuda sa pamilya ng 4 sundalo tiniyak ng AFP
Sinabi ni AFP chief General Felimon Santos Jr. na inaayos na nilang lahat ang mga benepisyo ng mga sundalo para ibigay sa kanilang mga kaanak.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na makatatanggap ng ayuda ang pamilya ng mga napatay na sundalo sa Sulu.

Sinabi ni AFP chief General Felimon Santos Jr. na inaayos na nilang lahat ang mga benepisyo ng mga sundalo para ibigay sa kanilang mga kaanak.

Maging ang hustisya na nais ng pamilya ay sisiguraduhing makakamit ng mga ito.

Umapela naman si Santos na huwag ipaghiganti ang pagkamatay ng apat na sundalo.

Sinabihan ni Santos ang mga sundalo na huwag ilagay sa kamay ng mga ito ang katarungan.

Aniya, naiintindihan niya ang bugso ng damdamin ng mga kaanak at kasamahan sa unit ng mga napatay na sundalo, subalit hindi tamang gumanti lalo pa’t may ginagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI).

Hunyo 29 nang mapatay ang apat na Army men habang hinahabol ang dalawang suicide bombers ng Abu Sayyaf.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with