9 pulis sa Jolo shooting, inilipat sa Crame
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang anumang tensiyon, ililipat sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, ang paglilipat sa Camp Crame ng mga nakakulong na pulis ay pagbawas sa tensyon sa pagitan ng pulisya at militar sa lalawigan.

Inamin ni Gamboa na suhestiyon ni Pangulong Duterte na ilayo ang mga pulis na sangkot.

“Suggestion din mismo ni Presidente [Rodrigo Duterte] na ilayo sila. Isasakay namin sila sa AFP (Armed Forces of the Philippines) plane at ako ang kanilang chief security custodial officer,” ani Gamboa.

Sinibak sa pwesto si Police Maj. Walter Annayo, hepe ng Jolo Municipal Police Station habang mananatili naman sa kanyang posisyon si Sulu Provincial Police Office director Police Col. Michael Bawayan.

Bibisitahin naman ng mga kasapi ng board of inquiry mula sa pulisya at militar ang Jolo sa susunod na linggo upang imbestigahan ang insidente.

Nitong Biyernes, kinausap ng Pangulo ang mga officer na dawit sa pagbaril sa apat na sundalo nang bisitahin nito ang isang military camp sa Zamboanga City.

Sa kanyang speech, sinabi nito sa mga sundalo at pulis na manatiling kalmado at hintayin ang resulta ng imbestigasyon.

CAMP CRAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with