Inihayag ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na pinalawig nila ang “no disconnection period” hanggang Setyembre 30, 2020.
Boy Santos, File
Meralco: Walang disconnection hanggang Setyembre. 30
(Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tiniyak ng Manila Electric Company (MERALCO) sa pagdinig ng House committee on Energy hearing noong Huwebes na walang magaganap na putulan sa suplay ng kuryente para sa mga kustomer nito.

Inihayag ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na pinalawig nila ang “no disconnection period” hanggang Setyembre 30, 2020.

“We will extend the no disconnection period until Sept. 30 of this year,” ani Espinosa sa pagdinig ng House energy committee na pinamumunuan ni House Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco.

Nagpasalamat naman si Congressman Velasco sa ginawa ng Meralco at sinabing makakatulong ito sa mga konsyumer ng kuryente.

Ayon naman kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga sa panayam ng media kamakailan, ginagawa ng Meralco ang lahat para maresolba at ma-address ang lahat ng mga isyu at concern ng mga Meralco customers.

“Iniisa-isa namin ang bawat reklamo na aming natatanggap at hindi kami titigil hangga’t hindi nabibigyan ng solus­yon ang bawat hinaing,” wika niya.

Kinakausap ng Meralco ang bawat kostumer na nagrereklamo ukol sa lumobong bayarin, dagdag pa niya.

“Walang ilalabas na disconnection notice kaya wala ring putulan na mangyayari. Sa tingin namin magkakaroon na kami ng sapat na panahon upang maresolba ang lahat ng issue at tanong ng konsyumer,” pagtatapos ni Zaldarriaga

Tiniyak naman ng Meralco na ang sinisi­ngil lamang nito ay kung ano ang nakonsumo ng kanilang kustomer batay sa nakarehistro sa metro.

Nagsimula noong Mayo ang aktwal na meter reading ng kumpanya at nakumpleto noong nagdaang buwan ng Hunyo.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with