Si President Rodrigo Roa Duterte habang kinakausap ang tropa ng militar sa kanyang pagbisita sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City noong Biyernes.
STAR/File
Duterte sa AFP, PNP: ‘Kumalma kayo’
(Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Personal na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na maging kalmado kasabay ng pangako na mananagot ang sinumang may kasalanan sa pagkamatay ng apat na sundalo na pinagbabaril ng 9 miyembro ng PNP sa Jolo, Sulu kamakailan.

Pero dapat aniyang hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) bago sampahan ng kaso sa court martial o sa regular court ang mga posibleng nagkasala.

“Pumunta ako dito hihingi ako ng tulong ninyo. I am pleading. Nakikiusap ako. Nihangyo ko ninyo na tabangan ko ninyo pagpakalma, to keep the waters in the meantime calm and we wait for the result of the investigation. Iyan ang pinuntahan ko dito kasi mahal ko ang sundalo ko. Mahal ko rin ang pulis ko,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City, Biyernes ng gabi.

Ayon pa kay Duterte, bilang Pangulo ay nanga­ngako siya na lalabas ang katotohanan sa isinasagawang imbestigasyon.

Anya, nakita niya na hindi maganda ang nangyari na nagdulot ng sobrang galit at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi rin ng Pangulo na mas magiging delikado kung hindi hihintayin ang resulta ng imbestigasyon at ilabas ng AFP ang kanilang galit dahil mga mamamayan ang maaapektuhan.

Sinabi rin ni Duterte na alam niya na gustong gumanti ng militar pero sa huli ay wala itong idudulot na mabuti sa bansa.

“Let us not lose sight of that reality. Alam ko na talagang gusto mong umupak rin eh. Pero at the end of the day I will ask you simply: What good did it do for all of us and for our country?” anang Pangulo.

Umapela ang Pangulo sa lahat na tumulong na pakalmahin ang sitwasyon na inihalintulad niya sa isang nagagalit na tubig.

“I was looking for a way how to handle the situation. Para kasi the ship of state is sailing. Hindi naman typhoon but a little bit turbulent water. Nandito ako para manghingi ng tulong sa inyo. Help me make the waters calm kasi ang ating bayan, the ship of state is sailing in that area,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pa­ngulo na hindi na maiba­balik ang buhay ng apat na sundalo kaya walang saysay kung may nag-iisip na maghiganti.

RODRIOGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with