Ayon kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., ipinasa ang batas para sa kapakanan at seguridad ng mga mamamayan na marunong sumunod sa batas.
Presidential Photo
Law-abiding citizens ‘di dapat matakot sa Anti-Terrorism Law - Esperon
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tiniyak kahapon ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na walang dapat ikatakot ang mga law-abiding citizens sa Anti-Terrorism Law dahil maliwanag naman sa batas kung sino ang mga ituturing na terorista.

Ayon kay Esperon, ipinasa ang batas para sa kapakanan at seguridad ng mga mamamayan na marunong sumunod sa batas.

“Itong ating law-abi­ding citizen ay walang dapat ikatakot dahil itong Anti-Terrorism Law ay para sa kapakanan at para sa seguridad ng mga law-abiding citizens,” ani Esperon.

Nilinaw din ni Esperon na hindi pipigilan ng gobyerno ang kahit na sino na magtungo sa Supreme Court upang kuwestiyunin ang batas.

Naniniwala si Esperon na ang mga tumututol sa batas ay yong mga hindi pa binabasa ang mga probisyon nito.

“Iyong sa pagkuwestiyon nila sa ating Anti-Terrorism Law sa Supreme Court ay karapatan nila; hindi natin pipigilan iyan at we’ll even encourage them. Ngunit kung mabasa lang sana nila—dahil mayroon akong palagay na hindi nila binabasa itong provisions ng Anti-Terrorism Law,” ani Esperon.

Idinagdag ni Esperon na sa Section 4 ng batas, sakop ng terorismo ang mga magtatangka na pumatay at ilagay sa panganib ang buhay ng mga mamamayan, manira ng mga public at private properties, gumawa ng mga nuclear, biological, radiological at chemical weapons at mga bomba.

Nilinaw din aniya sa batas na hindi kasama ang mga nagsusulong ng adbokasiya, protesta, pagtigil sa trabaho, mass actions at mga kahalintulad ng aksiyon.

“Ito ay ginawa para labanan natin ang teroris­mo. Ngayon, kung sino ang nagsasabing ito ay para sa kanila at tahimik naman sila eh huwag silang mababahala,” ani Esperon.

LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with