Repatriation ng mga bangkay ng OFWs ‘di tuloy
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Naudlot ang itinakdang repatriation ng mga bangkay ng  274 OFWs mula sa Riyadh, Saudi Arbia na inaasahang sa mga unang araw ng susunod na linggo pa sa halip na kahapon, Hulyo 4.

Sa naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, pinagbigyan ng Saudi Arabia government ang kahilingan na bigyan pa ng dagdag na panahon para sa pag-uuwi sa bansa ng mga bangkay.

Sanhi umano ng iba’t ibang dahilan kaya hindi pa rin natuloy ang repatriation.

“We regret to announce that the repatriation of the remains of our dear OFWs from Saudi Arabia is being delayed due to the pending release of documentary requirements, and our common desire to strictly adhere to the health protocols in transporting them,” ani Bello.

Kabilang sa 274 na bangkay ang 145 OFWs na natural deaths at 129 naman ang nasawi dulot ng COVID-19.

Una nang nagbigay ng deadline ang Saudi gov’t na hanggang Hulyo 4, 2020 na maiuwi ang mga bangkay ng mga nasawing OFWs na kung hindi pa magagawa ay sila na ang magpapalibing doon.

Sa international health protocols, ang namatay sa nakahahawang sakit ay dapat i-cremate muna subalit hindi pinapayagan ang cremation sa nasabing bansa.

Nasa 301 ang kabuuang bilang ng OFWs na namatay sa Saudi, 23 ang nailibing na doon at ang apat ay naiuwi na sa Pilipinas sa pagsusumikap ng kanilang kaanak dahil hindi naman COVID-19 related ang dahilan ng pagkamatay.

SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with