^

Bansa

Kapalaran ng ABS-CBN nakasalalay sa 46 solons, pagdinig tatapusin na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nakasalalay sa kamay ng 46 Kongresista ang magiging kapalaran ng ABS-CBN sa isasagawang botohan kung dapat pa bang mabigyan ng  panibagong 25 taong prangkisa upang makapagpatuloy ng operasyon ang media giant sa bansa.

Sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Chairman at Palawan 1st District Rep. Franz “Chicoy” Alvarez na sa Lunes (Hulyo 6) ay posibleng tapusin na ang pagdinig.

“Tapusin na lang ang hearing, kung matapos na magtanong lahat sa Monday, last hearing na yun,“ pahayag ni Alvarez.

Ang komite ni Alvarez at ni 1st District Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng House Committee on Good Government na gumigisa sa ABS-CBN.

Nabatid na matapos ang pagdinig ay magbobotohan na ang mga Kongresista kung dapat ba o hindi na mabigyan ng prangkisa ang network o tuluyan ng tuldukan ang operasyon nito.

Kaugnay nito, umaasa naman si ABS-CBN President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak na papaboran ng mga Kongresista na mabigyan pa ng pagkakataon ang network na makapagpatuloy ng operasyon na mahabang panahon na itong kaagapay ng mga pamilyang Pilipino.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with