Quezon City hindi na kasama sa Top 10 Citiesm na may pinakamataas na COVID cases
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines  — May 13-linggo simula nang umpisahan ang implementasyon ng community quarantine para labanan ang COVID-19, hin­di na kasama ang Quezon City sa Top 10 cities na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng sakit.

Taglay ang pinakamataas na populasyon na 2.9 milyong residen­te, ang lungsod ay nakapagtala na lamang ngayon ng 1,113 COVID-19 cases per million residences.

Batay sa datos mula sa https://covid19stats.ph, nabatid na dating nasa 7th place, ang QC sa mga lugar na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sakit.

Dahil naman sa mga pamamaraang ginawa nito upang sugpuin ang pagkalat ng virus, noong Hunyo 18 ay bumaba ito sa 8th place; naging 9th place na lamang noong Hunyo 22 at pang-sampu naman noong Hunyo 24.

Nito namang Hulyo 1  ay tuluyan nang natanggal sa Top 10 ang QC.

Kabilang ngayon sa Top 10 lungsod na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 versus population ay ang Cebu City na may 5,144.1 cases per million, kasunod ang San Juan City na may 2,840.1; Mandalu-yong City na may 1,897.6; Mandaue, Cebu na may 1,723.4; Makati City na may 1,667.0; Pasay City na may 1,584.6; Navotas City na may 1,531.3; Maynila na may 1,289.2; Parañaque na may 1,255.6 at Lapu-Lapu, Cebu na may 1,254.6.

Kabilang sa mga pamamaraan na ipinatupad ng lokal na pamahalaan para sugpuin ang sakit ay ang istriktong implementasyon ng community quarantine guidelines gaya ng kaagad na pag-lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng sakit, pagmamantine ng social distancing sa mga pampublikong lugar, mahigpit na pagpapatupad ng regulasyon sa pagsusuot ng facial mask, pagbibigay ng proteksiyon sa mga frontliners, at patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga kuwalipikadong residente na apektado ng pandemic.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with