^

Bansa

Anti-Terror Bill, batas na!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Anti-Terror Bill, batas na!
Kabilang sa mga tinututulan ng mga kritiko ang 24 na araw na kulong o warrantless detention ng mga mapaghihinalaang terorista.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Ganap ng batas ang Anti-Terror Bill matapos itong lagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kahapon, anim na araw bago ito mag-‘lapse into law’.

Kapwa kinumpirma ito nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Interior Secretary Eduardo Año.

“Yes, signed in toto,” ayon kay Año.

Hunyo 9 nang ipadala ng Kongreso ang kopya ng enrolled Anti-Terrorism bill sa Malacañang.

Isang araw bago lagdaan ni Duterte ang panukala, hinikayat ito ng mga Bangsamoro leaders na i-veto ang Anti-Terror bill.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi mangyayari ang pinangangambahang pag-abuso o kaya ay magagamit ang batas sa mga Muslim.

Kabilang sa mga tinututulan ng mga kritiko ang 24 na araw na kulong o warrantless detention ng mga mapaghihinalaang terorista.

Habambuhay na pagkakakulong na walang parole ang ipapataw sa mga mapapatunayang terorista.

Puwede ring makulong ang hinihinalang terorista nang 14 hanggang 24 araw nang walang kaso.

 

vuukle comment

ANTI-TERROR BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with