Sinabi ni Food and Drugs Authority (FDA) Director General Rolando Domingo, na nasa 450 pasyente sa Pilipinas ang naka-enrol sa solidarity trial sa 22 active sites habang kabilang sa mga gamot na parte ng WHO trial ang hydroxychloroquine, remdesevir, lopinar with ritonavir, at lopinavir with ritonavir interferon beta-1a.
STAR/File
149 bakuna nasa clinical trials na ng WHO
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 149 iba’t ibang klase ng bakuna ang nasa ‘clinical trials’ na ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19.

Sinabi ni Food and Drugs Authority (FDA) Director General Rolando Domingo, na nasa 450 pasyente sa Pilipinas ang naka-enrol sa solidarity trial sa 22 active sites habang kabilang sa mga gamot na parte ng WHO trial ang hydroxychloroquine, remdesevir, lopinar with ritonavir, at lopinavir with ritonavir interferon beta-1a.

Itinigil nang gamitin sa trial ang hydroxychloroquine dahil walang ebidensya napapababa nito ang mortality rate habang ang Remdesevir na orihinal na gamot sa Ebola virus ay nakitang epektibo ngunit wala pang Certificate of Product Registration sa Pilipinas.

Isa pang gamot na ang Dexamethasone na para sa allergy at low blood pressure na parte ng solidarity trial ay nakitang nagpababa sa mortality rate ng mga pasyente na kritikal sa COVID-19. Ngunit nagpaalala ang FDA na hindi pa rin dapat itong gamitin sa ‘self-medication’ dahil sa posibleng mala­lang side effects.

WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with