^

Bansa

Locsin pinagmumura pasimuno ng 'jeepney phaseout'; tsuper balik-pasada na

James Relativo - Philstar.com
Locsin pinagmumura pasimuno ng 'jeepney phaseout'; tsuper balik-pasada na
Handa nang bumiyahe ang tsuper na jeepney na ito sa Lungsod ng Quezon matapos lagyan ng plastic barriers para sa physical distancing ang kanyang sasakyan sa muling pagbabalik nila sa biyahe kahit may COVID-19, ika-3 ng Hulyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nanggalaiti si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga maniobra para tuluyang tanggalin ang mga "hari ng kalsada" sa pamamasada, kahit na miyembro siya mismo ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

'Yan ang kanyang sinabi kasabay ng pagbabalik-pasada ng mga tradisyunal na jeepney sa National Capital Region matapos suspindihin nang halos apat na buwan bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Basahin: Ilang 'roadworthy' na traditional jeeps sa NCR balik-pasada sa Biyernes

May kaugnayan: 6,002 NCR jeeps babalik bukas, malayo sa kabuuang 74,000 — PISTON

"Shame on all who want to drive jeepney drivers deeper into their extreme poverty and abolish the only genuine symbol of our race," sabi ng kalihim sa Twitter, Biyernes nang umaga.

"P*****ina niyo lahat . Walang awa. Walang hiya."

Ilang beses nang sinasabi ng ilang jeepney groups na maaaring ginagamit ng gobyerno ang COVID-19 pandemic upang lalong pabilisin ang pagtatanggal ng mga tradisyunal na jeepney sa Pilipinas, para palitan ng mga "modernong" jeep na pinatatakbo ng kuryente o Euro 4 compliant disel engine.

Gayunpaman, iprinoprotesta nang maraming jeepney driver's associations at grupo gaya ng PISTON ang jeepney phaseout sa dahilang napakamahal aniya ng mga unit na hindikaya ng mga operator bilhin.

Basahin: No stopping jeepney phaseout — DOTr chief

Giit ng Department of Transportation (DOTr) noong 2019, ligtas, "convenient" at mas maigi sa kapaligiran ang mga modernong jeep.

Kahapon lang nang sabihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Martin Delgra III na posibleng hanggang Disyembre 2020 na lang ang mga tradisyunal na jeep sa kalsada, maliban kung magkokonsolida ang sari-saring grupo sa iisang kooperatiba o korporasyon at mabibigyan ng provisional authority.

"After consolidation po, 'yun na po 'yung pagpapalit ng unit," ani Delgra.

"We have actually extended the deadline from June 30, dahil nga po sa COVID-19, to December 31. Ano pong mangyayari pagdating sa December 31? Their franchise will expire unless they will file a provisional authority."

Ang sinasabing provisional authority na ibibigay ay magiging epektibo sa loob ng isang taon.

Tinatayang nasa 6,002 ang mga jeep sa Metro Manila na babalik sa kalsada ngayong araw — malayo sa kabuuang 74,000 units ayon sa grupong PISTON.

"[L]ubhang napakaliit nito kumpara sa tunay na bilang ng mga jeepney sa Metro Manila. Mananatiling gutom ang maraming drayber at opereytor," ani Floranda.

"Reta-retasong ruta lamang ang ibinibigay ng LTFRB sa mga drayber at opereytor."

Dahil diyan, tinatayang nasa 68,000 jeepney units pa rin ang pagbabawalang bumiyahe sa Kamaynilaan. Una nang umabot sa 17.7% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Abril 2020 dahil sa epekto ng mga lockdown, na nagsara sa operasyon ng maraming negosyo at pampublikong transportasyon.

Ang mga nasabing unit ay dadaan sa 49 ruta at maaari lamang magsakay hanggang sa 50% ng capasity ng sasakyan. Dapat din na "roadworthy" ang mga ito at kinakailangang asikasuhin ang contact tracing efforts at tamang physical distancing sa pagitan ng mga pasahero.

vuukle comment

JEEPNEY

JEEPNEY MODERNIZATION

LTFRB

NOVEL CORONAVIRUS

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with