Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga isasama sa bagong batas ang pagkuha ng nasa 50,000 contract tracers na mahalaga sa pagbubukas ng ekonomiya.
STAR/File
Duterte magpapatawag ng special session
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpatawag ng special session ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte upang maipasa ang Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 na panukalang stimulus package para sa COVID-19 response at recovery efforts ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga isasama sa bagong batas ang pagkuha ng nasa 50,000 contract tracers na mahalaga sa pagbubukas ng ekonomiya.

Hihilingin ng Executive branch sa Senado at House of Representatives na mag-convene para sa special session kapag natapos na ang mga detalye sa stimulus package.

Pero nilinaw ni Roque na wala namang timelime para sa gagawing pagpapatawag ng special session.

Idinagdag din ni Roque na dapat maipasa ang bagong batas kung saan maraming nakapaloob na benepisyo lalo na sa mga health workers.

Dahil special session, nakatitiyak si Roque na gagawin ito bago ang State of the Nation Address ni Duterte.

Related video:

COVID-19 RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with