^

Bansa

ABS-CBN ‘pinaikot’ ang sistema sa pagbabayad ng buwis - Yap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN �pinaikot� ang sistema sa pagbabayad ng buwis - Yap
Sa pahayag ni Cong. Eric Go Yap, binanatan nito ang paggamit ng ABS-CBN sa Luxembourg, Hungary at Cayman Islands para umano makatakas sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Nanawagan si ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap sa kongreso na imbestigahang mabuti ang ipinapatupad na tax regulation sa bansa, matapos mabunyag sa pagdinig sa Kamara ukol sa prangkisa ng ABS-CBN na tila pinag­laruan ng kumpanya at pinaikot ang sistema para makaiwas sa pagbabayad ng malaking buwis.

Sa pahayag ni Cong. Yap, binanatan nito ang paggamit ng ABS-CBN sa Luxembourg, Hungary at Cayman Islands para umano makatakas sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas.

“Luxembourg, Hungary and Cayman Islands are intriguing choices for ABS-CBN to establish distribution companies. Coincidence ba na ang mga bansang ito rin ay kilala na mga tax haven sa buong mundo? I-google mo ang mga pangalan nila, ang kasunod na words na lalabas: tax haven. May mali dito, hindi patas at talagang kawawa ang Pilipinas,” ani Yap.

Ipinaliwanag pa niya na kaya tinawag ang mga itong “tax haven” ay dahil sa sobrang baba ng mga tax rate rito. Ino-offer ito ng mga naturang bansa sa mga non-residents nila para maglagay ng kanilang mga asset o negosyo sa kanila.

“Exactly what ABS-CBN has been doing for a long time. They can say whatever they want, they can say that they just want to be competitive in the international market but at the end of the day, naiwasan nila ang pagbaba-yad ng 30 percent na tax sa ating bansa,” giit ni Yap.

“This is carefully crafted scheme to avoid paying taxes. Yung mga kababayan nating mga ordinaryong manggagawa at mga maliliit na negos-yante ay nagbabayad ng tama pero ang ABS-CBN nakahanap ng paraan para makaiwas magbayad ng tamang taxes. Let’s call a spade a spade, this is tax avoidance. ABS-CBN is tax avoider,” dagdag pa ni Yap.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with