^

Bansa

Bong Go, kampeon ng serbisyo publiko

Pilipino Star Ngayon

Unang taon sa Senado:

MANILA, Philippines — Sa kanyang unang taon sa Senado, isinentro ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang trabaho sa lehislatura sa pagseserbisyo sa publiko bilang pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangako si Bong Go na ibubuhos niya ang panahon bilang senador sa paglutas sa kagyat at praktikal na pangangailangan ng bawat Filipino, saan mang sulok siya naroon.

“Patuloy po akong magsisilbing tulay nila sa Pa-ngulo at sa gobyernong ito para mabigyan sila ng boses at mabigyang kasagutan ang kanilang mga hinaing,” dagdag niya.

Noong June 30, 10 sa 16 batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte sa kasalukuyang 18th Congress ay iniakda at co-sponsored ni Sen. Go kung kaya siya ang itinuturing na pinakaproduktibong miyembro ng Senado.

Kabilang sa unang inihaing panukala ni Go na naisabatas na ay ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong December 3, 2019.

Ikinokonsidera ni Go na pinakamahalagang batas, ang Malasakit Centers ay itinayo sa lahat ng Department of Health-hospitals at sa Philippine General Hospital  para bigyan ng kombinyenteng access sa dekalidad at abot-kayang healthcare ang lahat ng Filipino. Sa ngayon ay mayroon nang 71 Malasakit Centers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang iba pa ay ang Senate Bill 1259 o Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020 para sa pagtatayo ng quarantine facilities sa bawat rehiyon at SB 399 na mag-eestablisa ng drug abuse treatment and rehabilitation center sa bawat probinsiya.

Gayundin ang SB 1228 na layong mag-establisa ng evacuation center sa mga lungsod, probinsiya o munisipalidad.

Sa kanyang SB 206 na nais iamyenda ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000, nais ni Go na mabigyan ng karagdagang benepisyo at prebilehiyo ang 14 mil­yong solo parents sa bansa.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang mga panukalang iniakda ni Go at naging batas mata­pos aprubahan ni Pangulong Duterte ay itinuturing na  achievements ng 18th Congress.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with