Imahe ni presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang talumpati, ika-2 ng Hulyo, 2020
Video grab mula sa Facebook ng RTVM
'It's been great': Roque ipinagmalaki ang 4 na taon ni Duterte
(Philstar.com) - July 2, 2020 - 5:38pm

MANILA, Philippines — Sa kabila ng sari-saring kinaharap na kontrobersiya't hamon gaya ng coronavirus disease (COVID-19), naninindigan ang Palasyo na naging "mahusay" ang unang apat na taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ika-30 ng Hunyo kasi nang pormal na umupo sa pwesto si Duterte, dahilan para ipagdiwang ang ika-4 na anibersaryo ng kanyang administrasyon noong Martes.

"It’s been a great four years," pagmamalaki ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang briefing, Huwebes.

"Mayroon po tayong pagsubok pero dahil mayroon po tayong very sound fundamentals, makakaahon din po tayo dito sa pagsubok ng COVID-19."

May nalalabi pang dalawang taon si Digong bago tuluyang matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

Bukod diyan, ipinagmalaki rin ni Roque ang "ganda" ng itinatakbo ng ekonomiya bago ragasain ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

Aniya, lumago ang ekonomiya sa average na 6.5% sa nakaraang buwan, "nakontrol" ang pagtaas ng mga bilihin habang napapanatili ang kanyang popularidad.

'Yan ay kahit na nababatikos ang kanyang pamumuno dahil sa kaliwa't kanang patayan kaugnay ng "war on drugs," pagtaas ng inflation rate sa 9-year high noong Setyembre at Oktubre 2018 at pag-abot ng unemployment rate sa 17.7% nitong Abril 2020 — ang pinakamataas sa kasalukuyang kasaysayan.

Nitong Mayo 2020 lang din naitala ang pagbaba ng antas ng buhay ng 83% Pilipino sa nakalipas na 12 buwan, ang pinakamalala simula nang mag-survey tungkol sa mga "net gainers" ang Social Weather Stations (SWS) noong April 1983.

Inaasahang ibibigay ni Duterte ang kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa ika-27 ng Hulyo, kahit na hindi pa rin tapos ang pandemya sa bansa. — James Relativo

HARRY ROQUE RODRIGO DUTERTE STATE OF THE NATION ADDRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with