Nakaangkas sa motorsiklo ang maskaradong babaeng ito, ika-24 ng Hunyo, 2020, habang nagpapakita ng volcanic activity ang Bulkang Kanlaon sa Isabela, Negros Occidental
AFP/Francis Fabiania
Nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas halos 39,000 na
James Relativo (Philstar.com) - July 2, 2020 - 4:18pm

MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas habang papatapos ang unang linggo ng Hulyo, ayon sa Department of Health (DOH), Biyernes.

Pumalo na kasi sa 38,805 ang dinadapuan ng nasabing virus sa ngayon, matapos maitala ang karagdagang 294 kaso sa talaan ng DOH.

Nanggaling ang mga bagong ulat mula sa 52 "fresh" cases at 242 "late" cases na ibinahagi sa mga pasyente sa nakaraang tatlong araw at lampas apat na araw.

Binawian naman ng buhay ang apat na iba pa, dahilan para umabot na ang kabuuang local death toll sa  1,274.

Samantala, ligtas na mula sa virus ang 10,673 kaso. Mas mataas 'yan kumpara sa 235 na nai-report ng DOH kahapon.

Bagama't hindi pa umaabot ang kumpirmadong kaso sa 40,000 sa Pilipinas, na tinataya ng ilang dalubhasa para sa ika-30 ng Hunyo, nananatili pa rin ang libu-libong backlog ng nagpositibo sa sakit ngunit "for validation" pa.

Inaasahan namang aabot sa 60,000 ang tatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas bago magtapos ang Hulyo, ayon din sa mga parehong experto mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sa ngayon, nasa 8,614 Pinoy na sa ibayong dagat ang nahawaan ng nasabing sakit habang 561 na sa kanila ang namamatay, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Kagabi lang nang ianunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Miyerkules nang gabi ang panunumbalik ng mga tradisyunal na jeep sa Metro Manila, bagay na sinuspindi simula pa noong Marso upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 10.45 milyon ang nadadali ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa World Health Organization (WHO). Nasa 511,082 na ang patay mula sa bilang na 'yan.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with