Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ulat sa Bayan na hotspot na ng COVID-19 ang Cebu City dahil marami ang hindi sumusunod at matitigas ang ulo.
Freeman Photo
ECQ pa rin sa Cebu City, GCQ sa Metro Manila
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatili sa gene­ral community quarantine ang Metro Manila samantalang enhanced community quaran-  tine pa rin sa Cebu City hanggang Hulyo 15.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ulat sa Bayan na hotspot na ng COVID-19 ang Cebu City dahil marami ang hindi sumusunod at matiti- gas ang ulo.

“You have the highest. Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit? Eh wala mo musunod eh. Marami sa inyo hindi sumunod… I am a Cebuano. I come from Danao, Cebu. Kay ang mga Bisaya talaga, maski sa Davao, ‘yung mga Bisaya doon ang titigas talaga ng ulo hindi mo mapasunod,” ani Duterte.

Bukod sa Metro Manila, iiral ang GCQ sa Benguet, Cavite, Rizal, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Leyte, Ormoc, Southern Leyte, Talisay City, at mga bayan ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu.

Inilagay naman sa modified GCQ na may “istriktong local system” ang Abra, Baguio, Ifugao, Kalinga; Region I – Ilocos Norte, La Union, Pangasinan; Region II – Cagayan, Isabela; Region III – Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga and Angeles City; Region IV – Bata-ngas, Laguna, Quezon, Lucena City; Region IV-B – Palawan, Puerto Princesa City; Region V – Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City; Region VI – Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City; Region VII ay ang Cebu, Bohol, Negros Oriental.

Nasa MGCQ rin ang Tacloban, Zamboanga, Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro; sa Region XII ay ang Cotabato at South Cotabato; Region XIII o CARAGA ay ang Agusan del Norte at Butuan; sa BARMM ay Lanao del Sur at Maguindanao.

Maliban sa mga nabanggit, ang lahat ng lugar sa bansa ay nasa ilalim ng “low risk” MGCQ.

Related video:

ECQ GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with