Sinabi ni Duterte na dapat tipuning lahat ni Año at dalhin sa isang lugar ang mga stranded.
Miguel De Guzman, file
Duterte kay Año: Mga stranded sa labas ng NAIA pakainin, hanapan ng matutuluyan
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na pakainin at hanapan ng matutuluyan ang mga stranded sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o kahit saang paliparan na naghihintay ng biyahe papuntang probinsiya.

Sinabi ni Duterte na dapat tipuning lahat ni Año at dalhin sa isang lugar ang mga stranded.

Sinabi pa ng Pangulo na siya ang magbabayad sa pagkain pero dapat ay ‘yong sa mga karenderya lamang dahil baka magreklamo ang Budget department.

Hindi anya dapat kumain ng mahal at hindi napapanahon dahil sa krisis.

Sinabi rin ng Pangulo na nakikita niya ang mga nalalathala sa mga pahayagan na mga stranded na mga mamamayan na naghihintay ng biyahe at karamihan ay natutulog sa labas ng mga gusali.

NAIA RODRIGO DUTERTE STRANDED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with