Farmers nagpasaklolo kay Duterte sa fertilizer deal
Ayon kay Rosendo So, chairman ng Sama-hang Industriya ng Agrikultura (SINAG), hindi mai­kakaila ang mga resibo na nangyari sa kontrata at ito ay nagpapatotoo na mayroong naganap na iregularidad sa fertili­zer deal.
Andy G. Zapata Jr., file
Farmers nagpasaklolo kay Duterte sa fertilizer deal
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang mga agri stakehol-ders na humiling na busisiing mabuti ang naganap na P1.8 bilyong fertilizer deal ng Department of Agriculture na umano’y overpriced.

Ayon kay Rosendo So, chairman ng Sama-hang Industriya ng Agrikultura (SINAG), hindi mai­kakaila ang mga resibo na nangyari sa kontrata at ito ay nagpapatotoo na mayroong naganap na iregularidad sa fertili­zer deal.

“Farmers themselves have provided us with receipts. Retailers have also given us their outlet prices. How can the Department of Agriculture refute these? Receipts do not lie,” sabi ni  So.

Ang pahayag ni So ay ginawa nang sabihin ng Pangulong Rodrigo Duterte na lehitimo at legal ang naganap na kontrata sa abono.

Anya, dapat muling si-lipin ni Pangulong Duterte ang bagay na ito at pa-kinggan ang sentimiento ng mga farmer-beneficiaries na nagsasabing nagkaroon ng overpriced sa P1.8 billion fertilizer  supply contracts na nai-award ng DA noong nagdaang buwan.

“You cannot invent the retail price because we have receipts to back these up. The winning bids were higher by as much as P150 per bag,” pahayag ni So.

Sa kontrata, umaabot sa P1,000 ang halaga ng bawat bag ng urea pero ito umano ay may halagang P850 per bag lamang.

FARMERS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with