Mga susunod na linggo, krusyal sa Pinas â WHO
Sinabi ni Dr. Takeshi Kasai, WHO regional director for the Western Pacific, na hindi dapat masayang ang pagpupunyagi ng pamahalaan ng Pilipinas sa paglaban sa COVID-19 tulad ng pagpapatupad ng mga lockdowns para mapabagal ang impeksyon.
AFP/Fabrice Coffrini
Mga susunod na linggo, krusyal sa Pinas – WHO
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magiging krusyal sa Pilipinas ang mga darating na linggo sa paglaban sa pagkalat pa lalo ng COVID-19 makaraang ma-monitor ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng bilang ng mga kaso sa bansa.

Sinabi ni Dr. Takeshi Kasai, WHO regional director for the Western Pacific, na hindi dapat masayang ang pagpupunyagi ng pamahalaan ng Pilipinas sa paglaban sa COVID-19 tulad ng pagpapatupad ng mga lockdowns para mapabagal ang impeksyon.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang hawahan ng tao kahit na sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon na naging mahigpit ang pagpapatupad ng lockdown sa mga nakalipas na buwan.

Sinabi ni Kasali na patuloy nilang minomonitor ang Pilipinas makaraan ang pagpapaluwag sa mga “quarantine restrictions” kung saan patuloy naman umano ang pagdami ng pasyente sa mga pagamutan.

Samantala, nasa 999 pang kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa talaan ng Department of Health kahapon para sa kabuuang 38,511.

May 205 pasyente naman ang gumaling para umakyat sa 10,438 ang recoveries habang apat ang nadagdag sa mga nasawi para sa death toll na 1,270.

COVID-19 WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with