^

Bansa

Pinas umalerto sa bagong swine flu pandemic mula China

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umalerto na ang pamunuan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa posibleng pagpasok sa Pilipinas ng panibagong swine flu pandemic o kilala sa tawag na G4 virus mula sa China.

Ayon kay BAI Director Ronnie Domingo, hihigpitan ng ahensiya ang mga polisiyang ipaiiral sa lahat ng entry points sa bansa upang hindi makalusot ang pandemic sa Pilipinas.

Sinabi ni Domingo na bago umalis sa country origin ang meat pro-ducts ay susuriing mabuti at bago makapasok sa ating bansa ay iinspek­syunin ang kalidad ng karne para makaiwas na makapasok ang virus sa ating bansa.

Hihigpitan din ang screen importation ng mga meat products at aayusin ang mga farm facilities para huwag magkasakit ang mga local swine sa ating bansa.

Sa ngayon anya ay kaya namang suportahan ng local swine industry ang pangangailangan sa suplay ng baboy ng Pilipinas.

Una rito, nanawagan ang grupo ng Samahang Industriya at Agrikultura na mag-ban ang Pilipinas sa meat imports lalo na ng mga baboy at manok para makaiwas na makapasok sa atin ang anumang uri ng virus na pipilay sa local swine industry.

Sa report, may 10 per­cent ng swine workers ang inubo at nilagnat sa China dahil sa bagong swine flu doon.

Wala pa naman uma­nong patunay na maaa-ring malipat sa tao ang G4 virus na mula sa baboy pero kailangan umanong mag-ingat ang lahat.

Sa Pilipinas ay tuma­ma ang African Swine Flu (ASF) sa ilang mga babuyan sa bansa pero unti-unti itong nagagamot ng pamahalaan para hindi na kumalat pa sa ibang lugar.

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with