Bong Go pinuri ang IATF sa inilatag na health, safety protocols sa mga umuuwing OFWs
(Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri at pinasalama­tan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ang mga ahensiya ng gobyerno sa inilatag na health and safety protocols para sa mga nagsisiuwing overseas workers para mapigil ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19). 

Umapela naman si Go sa OFWs na sundin lang ang mahigpit na guidelines ng pamahalaan para matiyak  na maayos, ligtas at malusog silang makauuwi sa kani-kanilang pamilya sa gitna ng pandaigdigang pandemya.

“Sa ating mga ka­ba­bayang Pilipino na uuwi ng Pilipinas, may mga nilatag na health and safety protocols ang ating gobyerno upang protektahan po kayo at ang inyong mga pamilya. Sundin natin ito para masiguro nating magiging ligtas din ang mga mahal ninyo sa buhay sa inyong pag-uwi,” anang senador.

Kamakailan ay naglabas ang  IATF, Philippine Red Cross at Department of Health ng step-by-step procedure o proseso na ipinatutupad sa Ninoy Aquino International Airport para sa mga nagsisiuwing OFWs.

“Alam kong mahaba ang magiging proseso ng inyong pagdating dito sa bansa pero ginagawa lamang natin ito para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat,” ayon sa sena­dor.

Kaya naman humihingi siya ng pasensya, pang-unawa at pakikisama sa panahong tulad nito na ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa ang prayoridad.

BONG GO COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with