Kahapon sana ang huling araw ng enrollment kung saan mahigit lamang sa 15 milyon ang nagpatala na mas mababa kumpara sa 27 milyon noong nakaraang taon.
Philstar.com/ Gladys Cruz
Enrollment extended hanggang Hulyo 15 – DepEd
Mer Layson, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinalawig hanggang Hulyo 15 ang enrollment na dapat sana ay magtatapos kahapon.

Sa kabila nito, umapela si Roque sa mga magulang na huwag ng hintayin ang Hulyo 15 bago i-enroll ang mga anak.

Hindi anya dapat ha­yaan na matigil ang pag-aaral ng mga estudyante kahit pa may COVID-19.

Aminado si Roque na naging matumal ang enrollment lalo na sa mga pribadong eskuwelahan.

Base sa text message na ipinadala ni Education Secretary Lenor Brionnes kay Roque, ang nag-enroll sa public schools ay nasa 15,220,315 samantalang sa private ay 672,403.

Kahapon sana ang huling araw ng enrollment kung saan mahigit lamang sa 15 milyon ang nagpatala na mas mababa kumpara sa 27 milyon noong nakaraang taon.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with