“This was not a misencounter. This was murder. This was a rubout,” diin ni Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay, kaya’t hinihiling nila ang ‘full-blown investigation’.
STAR/ File
Rubout ‘di shootout! - Army chief
Doris Franche, Mer Layson, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Sa 4 na sundalo na napatay ng mga pulis

MANILA, Philippines  — Hindi naniniwala ang Philippine Army na misencounter ang naganap sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu kung saan apat ang nasawi.

“This was not a misencounter. This was murder. This was a rubout,” diin ni Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay, kaya’t hinihiling nila ang ‘full-blown investigation’.

Ayon kay Gapay, wala namang ginagawa ang mga sundalo na ‘provocation’ o  makapagtutulak sa mga pulis para gawin ang naturang pamamaril.

“Based on eyewitness accounts, no altercation transpired between the two parties nor was there any provocation on the part of Army personnel to warrant such carnage,” nakasaad sa press statement.

Aniya, wala ring tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang naroon kaya masasabing hindi anti-drug ang ope­ration.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command chief, Lieutenant Ge­neral Cirilito Sobejana, ang apat na sundalo na naka-assign sa 11th Infantry Division ng Philippine Army ay on official mission kung saan pakay ng kanilang operasyon ang 2 suspected suicide bombers ng Abu Sayyaf.

Batay naman sa ulat ni PNP-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Spokesperson Jemar Delos Santos, lulan ng SUV na Montero ang apat at hinarang ang mga ito sa checkpoint. Nagpakilala umanong sundalo ang mga lalaki.

Inatasan ang apat na magtungo sa Jolo Municipal Police Station para sa beripikasyon subalit tumakas umano ang apat na lalaki, na kalauna’y napag-alamang kasapi ng intelligence unit ng AFP. Tinutukan umano ng mga sundalo ang mga pulis na nagresulta sa isang engkwentro.

Kinilala ang mga napatay na sina Maj. Marvvin Indamog, Capt. Iriwin Managuelod, Sgt. Eric Velasco at Cpl. Abdal Asula.

Ayon naman sa witness, bumaba ang mga pulis sa kanilang sasakyan at ‘kinompronta’ si Indamog na bumaba rin sa van na hindi umano armado.

Habang nag-uusap ang dalawa ay isang pulis ang bigla na lamang pinaputukan si Indamog habang ang iba pang mga pulis ay pinagbabaril ang 3 pang sundalo na nasa loob ng van.

Agad umalis sa lugar ang mga pulis matapos ang pamamaril.

Ayon kay Gapay, walang armas ang mga sundalo.

Samantala, hiniling ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon habang pinadisarmahan na ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga pulis na sangkot sa insidente.

PHILIPPINE ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with