Ang ABS-CBN ang nag-o-operate sa digital TV transmission sa Metro Manila gamit ang Channel 43 (644-650 mhz) na apektado ang mga programa sa TVPlus channels Cine MO!, Yey!, TeleRadyo, at ang kanilang pay-per-view channel KBO.
Boy Santos
Pag-ere ng ABS-CBN shows sa TV Plus ipinatigil ng NTC
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inatasan ng Natio­nal Telecommunication Commission (NTC) ang pamunuan ng ABS-CBN na itigil ang operasyon ng TV Plus sa Metro Manila at SKY Direct nationwide.

Ang ABS-CBN ang nag-o-operate sa digital TV transmission sa Metro Manila gamit ang Channel 43 (644-650 mhz) na apektado ang mga programa sa TVPlus channels Cine MO!, Yey!, TeleRadyo, at ang kanilang pay-per-view channel KBO.

Ayon sa NTC, ang mga nabanggit ay kasama sa listahan ng radio at TV stations ng ABS-CBN na may cease and desist order mula May 5. Ang broadcast franchise ng ABS-CBN ay napaso noong May 4.

Pinaalala ng NTC na ang Sky Cable ay dapat ding itigil ang operasyon ng kanilang Direct Broadcast Satellite Service o DBS service gamit ang radio frequencies 14421-14457 MHz at 12673-12709MHz.

Ayon sa NTC nabig­yan ng provisional authority ang Sky Cable Corp. para mag-operate at imantine ang DBS service mula 2015 hanggang 2021 pero ang Sky Cable Corp’s franchise ay paso na noong Mayo 4.

Pinare-refund din ng NTC sa Sky Cable Corp. sa kanilang mga subscribers ang halaga ng unconsumed prepaid loads, deposits sa equipment at devices, deposit o advance payment para sa  postpaid subscribers at charges na nakolekta mula sa mga bagong aplikante.

Una nang umapela sa Kongreso si ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak sa Kongreso na payagan ang iba nilang kumpanya na makapag-operate habang dinidinig ang kanilang aplikasyon ng franchise renewal para sa isang patas na hakbang.

NTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with