WHO itinanggi ang COVID-19 report na nangunguna ang Pinas sa Western Pacific Region
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Itinanggi ng World Health Organization (WHO) na sa kanila nanggaling ang konklusyon na nangu­nguna ang Pilipinas sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong Western Pacific region.

Sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Country Representative, na hindi sila nagkukumpara ng mga bansa sa mundo sa pagresponde, programa at mga datos ukol sa COVID-19.

“It is unfair to say that WHO made that comment or assessment we did not... The World Health Organization never made such a comment or an assessment,” ayon kay Abeyasinghe.

Base sa ulat umano ng WHO-Western Pacific Region data, nangunguna ang Pilipinas sa dami ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula Hunyo 17-23.

Una na ring pumalag ang Malacañang at Department of Health sa ulat at sinabing maganda ang resulta ng Pilipinas sa ibang kategorya tulad ng pagbagal ng ‘doubling of cases’, mababang death rate at paglaki ng mga bilang ng mga gumagaling.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with