Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipinagbabawal ang cremation sa Kingdom of Saudi Arabia ngunit sa polisiya ng bansa ay kailangan na mai-cremate ang mga bangkay sa loob ng 12 oras.
Michael Varcas/File
OFWs na nasawi sa COVID, iki-cremate agad
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agad na isasailalim sa cremation ang mga labi ng mga overseas Filipino workers na nasawi dahil sa COVID-19 sa oras na maiuwi sa Pilipinas buhat sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipinagbabawal ang cremation sa Kingdom of Saudi Arabia ngunit sa polisiya ng bansa ay kailangan na mai-cremate ang mga bangkay sa loob ng 12 oras.

Tinatayang nasa 301 bangkay na nasawi sa Saudi ang nakatakdang ipa-repatriate sa Pilipinas bago matapos ang palugit na Hulyo 4. Sa naturang bilang, 145 ang nasawi sa COVID-19.

“Tayo po ay nagbigay na ng abiso na kaila­ngan completely sealed ang casket. Pagdating dito immediate burial po agad dapat iyan, hindi na puwedeng buksan ang casket nila,” ani Vergeire.

Sa huling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 8,433 Filipino sa 59 bansa sa mundo ang tinamaan ng COVID, 2,814 ang aktibong kaso, 5,081 ang nakarekober habang nasa 538 ang nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with