^

Insurance sa magsasaka, isinulong ng ACT-CIS

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inihain sa Kongreso ni Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist Rep. Eric Go Yap, na siya ring legislative caretaker ng lalawigan ng Benguet, ang House Bill No. 7011, o mas kilala bilang “Free Index-Based Agricultural Insurance (FIBAI) Act of 2020” kamakalawa ng gabi.

Layunin ng naturang panukalang batas na pagkalooban ng libreng weather index-based insurance service ang mga magsasaka, upang mas mabilis silang makabawi mula sa impact ng mga ‘weather events’ na nagreresulta sa matinding pagkalugi, problemang pampinansiyal at di mabayarang mga utang.

Ayon kay Yap, napapanahon na para bigyan ang mga magsasakang Pinoy ng sapat na pagkilala at proteksiyon.

Paliwanag pa niya, ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa kaya’t dapat na nakapokus tayo sa pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka na siyang nagpapakain sa ating mga pamilya sa pamamagitan ng kanilang ani.

“Philippines is an agricultural country – we have to focus on and support our farmers. They feed not only their families through their produce but the entire nation as well. As time goes by, the serious effects of climate change can be evidently observed. This global pheno-menon makes our farmers more vulnerable as agricultural lands are highly exposed to the wide range of its impacts,” pahayag pa ni Yap.

BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with