^

Limitasyon sa binibiling produkto tatanggalin na

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balak ng Department of Trade and Industry na tanggalin na ang limitas­yon sa bilang ng mga produktong maaring bilhin na kabilang sa mga pangunahing panganga­ilangan.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na wala ng nangyayaring panic buying na naging dahilan para limitahan ng gobyerno ang bilang ng mga produktong maaring bilhin ng mga consumers.

Ayon kay Lopez, sa ngayon ay malakas na ang suplay ng mga panguna­hing produkto at pagkain.

Halos 100% na balik na muli ang operating capacities ng maraming kompanya kahit sa general community quarantine kaya punong-puno na muli ng mga produkto ang mga supermarkets.

Inihalimbawa ni Lopez ang alcohol, face mask, at mga de lata na mabilis na maubos noong ipatupad ang quarantine.

“Ibig sabihin, even if you look for alcohol, nandiyan parati. If you look for face mask, it’s available na rin drugstores. Ang mga delata po, marami ho tayong supply,” sabi ni Lopez.

RAMON LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with