^

Bansa

Seafaring industry nanganganib

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanganganib ang seafaring industry sa bansa dahil sa panibagong order ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nag-oobliga sa mga manning agencies na sagutin ang gastusin sa board and lodging ng mga seaman sa oras na ma-repatriate sila sa Pilipinas at sumailalim sa quara­ntine procedures para sa COVID-19.

Ayon kay Trade Union Congress (TUCP) Party­list Rep. Raymond Mendoza, dapat gobyerno ang magbayad ng gastos ng mga seaman sakaling sumalang sila sa quarantine procedure tulad ng mga bansang mahigpit na kakumpitensya ng Pilipinas sa seafaring arena.

Sinabi ni Mendoza na kinakailangan ng gobyerno na mag-invest sa seafaring at alagaan rin ang mga foreign shipowners na nagha-hire sa mga Pinoy seaman dahil sakaling mawalan ito ng kumpiyansa sa mga Pilipinong marino at gobyerno, magiging katapusan ito ng seafaring career sa bansa.

Anya, maaaring ikadismaya ng mga foreign shipowners ang panibagong gastusin nito sa mga Pilipino at mauwi sa pagpili na lamang ng ibang lahi.

Sinabi naman ni Capt. Jess Morales, presidente ng Abosta Shipmanagement Corp, ilan sa kanyang mga crew ang pinalitan na ng Indiyano at Indonesian seafarers dahil umatras sa panibagong gastos ang kanyang foreign shipowner bunsod ng nasabing department order ng DOLE.

Bunsod nito, sinabi ng Joint Manning Agency (JMG), Filipino Association of Mariners Employment Inc. (FAME), United Filipino Seafarers (UFS) at Associated Marine Officers and Seafarers’ Union of the Philippines (AMOSUP) na kanilang ina­al­mahan ang department order 211 A ng DOLE.

Ayon sa mga manning agency, ang kautusan ay mag-aatang sa kanila ng US$700 incremental cost para sa bawat repatriated seafarer na sasailalim sa quarantine.

Dagdag ng mga manning agency na tila mali rin ang pagkakaintindi ng DOLE sa Maritime Labor Convention 2006 dahil malinaw na sagot lamang ng ship owners ang medical cost ng mga seaman kapag ito ay nagkasakit o nasaktan sa panahon ng kanyang umiiral na kontrata at hindi kasama dito ang quarantine procedure pagbalik sa kanyang bansa bilang point of hire.

Sa ngayon, P2B na raw ang kanilang nagagastos sa mga umuwing seaman nitong nakaraang dalawang buwan at humihingi na rin sila ng tulong sa DOLE at OWWA para mai-refund sa kanila ang accommodation at quarantine expenses.

COVID-19

SEAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with