^

Bansa

Nadali ng COVID-19 sa bansa higit 24,000 na, lampas sa UP projection

James Relativo - Philstar.com
Nadali ng COVID-19 sa bansa higit 24,000 na, lampas sa UP projection
Kita sa electron microscope image na ito ang bilog-bilog at manilaw-nilaw na rehistro ng SARS-CoV-2, ang virus na nagsasanhi ng COVID-19
Released/NIAID

MANILA, Philippines (Update 1, 5:41 p.m.) — Lalo pang humataw ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas, ayon sa huling talaan ng Department of Health (DOH), Huwebes.

Umariba na ang datos patungong 24,175 ngayong araw, bagay na mas mataas nang 443 kumpara sa inilabas kahapon.

Nalampasan na agad ang 24,000 mark kahit na sa ika-15 ng Hunyo pa ito inaasahang maabot, ayon sa mga mananaliksik ng OCTA Research sa University of the Philippines.

Nagmula ang mga panibagong datos mula sa 253 "fresh" at 190 "late" cases, o mga resultang lumabas sa nakalipas na tatlong araw at lampas apat na araw na mula ngayon.

 

 

"Ang National Capital Region ay kasalukuyang may R0 (binabasa bilang R-naught) na less than one. Magandang indikasyon po ito sa laban natin sa COVID, dahil ang ibig sabihin ay hindi gaano kabilis kumakalat ang sakit," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

"[A]ng R0, ayon sa ating mga kasamang eksperto sa [Unibersidad ng Pilipinas], ay isa ring indicator na maari nating gamitin para makita ang pagkalat ng COVID-19."

Kapag ang R0 ay mas mataas sa isa, kumakalat pa ang sakit. Ngunit sinasabing nagfla-flatten na ang "epidemic curve" kung mas mababa ito sa isa. Sinasabing nasa 1.2 ang R0 ng buong Pilipinas.

Sa kasamaang palad, namatay naman mula sa virus ang siyam pang kaso, na nag-aakyat sa local death toll sa 1,036.

Gayunpaman, gumaling na sa COVID-19 ang 270 iba pa, dahilan para sumipa na ang Philippine COVID-19 recoveries sa 5,165.

Kanina lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na sa Lunes iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawing pagbabago sa pagpapatupad ng community quarantine laban sa COVID-19.

"Konting hintay na lang po. Mismong si Presidente Duterte po ang haharap at kakausap sa taumbayan sa Lunes, June 15, para ianunsyo ito. Hindi po natin pangungunahan ang presidente sa kanyang announcement," sabi ni Roque sa isang briefing.

Kasalukuyang nakalagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Cordillera Administrative Region, Regions I (maliban sa Pangasinan), IV-B, V, VI, VIII, IX (maliban sa Zamboanga City), X, XI (maliban sa Davao City), XII, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Samantala, nasa ilalim naman ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Sa ngayon, 7.14 milyon na ang nahahawaan ng virus sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 408,025 na ang yumayao.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with