Pagbubukas ng mga casino ikinakasa
Sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo na plano nilang pabuksan ang mga casino na pinatatakbo ng pamahalaan ngayong Hunyo o kaya ay sa Hulyo.
Tory Ho/AFP/File
Pagbubukas ng mga casino ikinakasa
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinokonsidera nga­­yon ng Philippine Amusement and Ga-ming Corporation (PAGCOR) na magbalik na sa operasyon ang mga casino sa bansa upang maibalik na rin ang mga trabaho ng kanilang mga tauhan at makatulong na sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo na plano nilang pabuksan ang mga casino na pinatatakbo ng pamahalaan ngayong Hunyo o kaya ay sa Hulyo.

Kasalukuyang nag-o-operate na ang mga casino sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘‘modified general community quarantine’’ ngunit nasa 50% kapasidad lamang.

Nasa 132,000 direct hire na mga tauhan ang kanilang binibigyan ng trabaho sa mga casino habang may positibo ring epekto ang pagbubukas nito sa mga restorant, hotels, malls, transport sector at real state.

Nasa MGCQ na ang ibang parte ng Pilipinas bukod sa Metro Manila, Pangasinan, Region II, Region III, Region IV-A, Region VII, Cebu City, Mandaue City, Zamboa­nga City at Davao City na nasa GCQ mula Hun­yo 1 hanggang 15.

Pinag-aaralan pa ng pamahalaan kung ilalagay na rin sa MGCQ ang mga nabanggit na lugar.

PAGCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with