Anti-terrorism bill nasa Malacañang na, lagda ni Duterte na lang kulang
Litrato ng mga raliyista sa UP Diliman, ika-3 ng Hunyo, 2020, habang tinututulan ang anti-terrorism bill
The STAR/Michael Varcas
Anti-terrorism bill nasa Malacañang na, lagda ni Duterte na lang kulang
James Relativo (Philstar.com) - June 9, 2020 - 2:41pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pamunuan ng Senado na nakarating na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na anti-terrorism bill, na pinupuna ngayong sasagasa diumano sa "civil liberties" nang marami.

Sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na "good as recieved" na ang panukala matapos maipadala sa pamamagitan ng email.

"They are now printing copies in the Palace," ani Sotto. Sa ngayon, naghihintay na lang ang Senado ng official receipt habang nag-aantay na lang ng pisikal na kopya ang Malacañang.

Kaninang umaga lang nang ibahagi ng actor-turned-Senate-leader sa isang text sa media na pirmado na ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano: "Alan signed last night," saad ni Sotto.

 

Sa kabila niyan, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na wala pa sa kamay ng Palasyo ang aprubadong anti-terror measure, na pinag-aawayan ngayon sa social media nang marami.

"There is a period within which a bill becomes law if the president does not act on it. We have 30 days...to review, either to veto or sign a bill," sabi ng tagapagsalita ni Digong.

Bagama't pwede nitong ikulong ang mga suspek ng terorismo nang walang kaso at warrant sa loob ng 14 hanggang 24 araw, maliban sa tinanggal ang probisyon sa P500,000 danyos perwisyos sa mga inosenteng huhulihin, tiniyak ni Roque na may mga "safeguards" naman daw na inilalatag ang panukala.

Pinangangambahan ng ilang netizens, aktibista at oposisyon na maaari itong gamitin laban sa mga kritiko ng gobyerno, lalo na't binibigyang kapangyarihan ng Section 25 nito ang Anti-Terrorism Council (ATC) na tawaging "terorista" ang sinumang indibidwal o grupo.

Kahit sinasabi sa Section 4 na hindi pwedeng ituring na terorista ang mga aktibista at magproprotesta, nakalagay bilang pre-condition na dapat hindi sila manakit o makapatay nang tao habang isinasagawa ito.

'Masahol pa sa martial law'

Kasabay nito, tinawag namang labag sa 1987 Constitution Integerated Bar of the Philippines (IBP) ang ilang probisyon ng bill, bagay na nagbibigay pa raw nang mas mahihigpit na panuntunan sa batas militar at pagkakasuspinde ng writ of habeas corpus.

Ang mga 'yan, pati ang Section 29 ng panukala, pinagtaasan ng kilay nina Domingo Cayosa, presidente ng IBP, sa panayam ng dzBB.

"Sa konstitusyon ho kasi, under extraordinary circumstances, martial law na 'yan... nasuspend ang writ, ang sabi ng konstitusyon, kahit ganitong sitwasyon, you must charge any arrested person within three days," wika ni Cayosa, habang tinutukoy ang Article VII, Section 18.

"Eh ito ho, 'yan ba na probisyon eh that's the absolute limit? O pwedeng ang Konggreso sabihin na kapag terorista ka, mas masahol pa sa martial law... 24 days maximum, hindi ka kinakailangang i-charge."

Binibigyan din daw ang ATC, na bahagi ng ehekutibo, ng mga kapangyarihan ng hudikatura, gaya na lang nang pagdedeklara ng "probable cause" kung terorista o hindi ang isang indibidwal o grupo.

Maaari rin daw na ipakulong na lang basta ng ATC nang ilang araw ang mga suspek kahit na hindi ito agad nasisilip ng korte. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero at News5

Related video:

ANTI-TERRORISM BILL HARRY ROQUE INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES PALACE RODRIGO DUTERTE SENATE VICENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with