Sinas, na nag-'party' habang ECQ, nanibak ng 5 pulis dahil sa quarantine violation
Litrato ni NCRPO director Debold Sinas habang inilulunsad ang kanyang birthday mañanita, na tumanggap nang matinding batikos matapos hindi maparusahan kaugnay ng quarantine protocols.
Released/NCRPO
Sinas, na nag-'party' habang ECQ, nanibak ng 5 pulis dahil sa quarantine violation
James Relativo (Philstar.com) - June 8, 2020 - 10:40am

MANILA, Philippines — Tanggal sa pwesto ang limang pulis sa Lungsod ng San Juan matapos diumano lumabag sa panuntunan ng community quarantine kontra coronavirus disease (COVID-19) habang nasa Lungsod ng Baguio.

Iniutos ni National Capital Region Police Officer (NCCRPO) director Brig. Gen. Debold Sinas ang relief ng mga opisyal kahit siya mismo'y lumahok ng birthday salo-salo, isang "mass gathering," na ipinagbabawal din noong may enhanced community quarantine (ECQ) pa.

(Basahin: 'Mahiya kayo': Pagdepensa ng PNP sa ECQ bday bash ng NCRPO chief kinastigo)

"I will not condone any wrongdoing of our Police Officers in the implementation of the community quarantine protocols, if held responsible," ani Sinas, Lunes.

Ang limang pulis ay sinasabing escort ni San Juan Mayor Francis Zamora, na umitsapwera raw sa border control checkpoint ng Kennon Road noong Biyernes kahit hindi sumasailalim, sa "mandatory triage health examination," sabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Linggo.

Ani Magalong, bigla na lang humarurot ang sasakyan nang inspeksyunin ng checkpoint personnel matapos sabihin na bahagi sila ng isang convoy

Kasalukuyang nagpapatupad ng modified general community quarantine (MGCQ) ang Baguio City.

"We as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines," dagdag ni Sinas.

(May kaugnayan: Pag-abswelto ni Duterte kay Sinas, na nanguna sa 'Negros 14' killings, inalmahan)

Bagama't kinundena na ni Magalong ang nangyari, umapela naman ang alkalde ng Baguio na iwasang husgahan si Zamora at kanyang grupo.

 

 

Una nang humingi si Zamora nang tawad sa "seryosong lapse" ng kanyang police escort, lalo na't tulog siya sa sasakyan nang hindi pansinin ang standard border protection measure.

"Indeed, we have accepted the apologies of Mayor Zamora, no doubt conveyed in sincerity. But in my talk with him, I emphasized that it is to the people of Baguio, not I, who deserve to do that," sabi ni Magalong kanina.

"After all, it is their primordial health and well-being that Mayors like him and I are consecrated to work for in these troubled times."

Sa huling taya ng Department of Health, umabot na sa 21,895 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 1,003 na ang namamatay. — may mga ulat mula sa The STAR

BAGUIO CITY BENJAMIN MAGALONG DEBOLD SINAS ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with