^

Bansa

DOLE, DTI magtulungan para sa mga nawalan ng trabaho - Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Sen. Bong Go sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade Industry (DTI) at iba pang ahensiya ng gobyerno na magtulungan sa paglikha ng estratehiya sa gitna ng masamang epekto ng COVID-19 outbreak upang mabigyan ng kabuhayan at trabaho ang mga naapektuhan nating kababayan.

“Umaapela tayo sa DOLE, sa DTI at iba pang mga ahensya na magtulungan para gumawa ng mga paraan kung paano matutulungan ang milyun-mil­yong Pilipinong (nawalan) mawawalan ng trabaho dahil sa pandemyang ito,” ayon kay Go.

“Sa ngayon pa lang, marami nang business ang nagsara at dahil dito, marami na ring Pilipino ang nawalan ng trabaho,” dagdag ng senador.

Mismong si DOLE Secretary Silvestre Bello III ay umamin na maging ang ekonomiya ng bansa ay maaapektuhan sa paglobo ng pigura ng unemployment kung hindi agad makagagawa ng estratehiya o mekanismo para ito’y malabanan.

Iniulat ni Bello sa pagdinig ng Senado kamakailan na nasa 2.6 milyong manggagawa na ang nawalan ng trabaho sa gitna ng kasalukuyang health crisis.

Sinabi naman ni Sen. Go na sa ilalim ng Balik Probinsya, Balik Pag-asa (BP2) program, natukoy na ng DOLE at DTI ang mga programang maaaring maipatupad para makatulong sa mga kababayan nating  mawawalan ng trabaho.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with