^

Bansa

Duterte: Online scammers ihulog sa Pasig River

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte: Online scammers ihulog sa Pasig River
“Ang iyo diyan is i-deliver mo tapos tignan mo ‘yung maskara, kung hindi sang-ayon sa inorder mo, papasukin mo sa loob ‘yung nag-order ng mga --- ah nagdala ng mask, talian mo, pagkagabi maghanap ka ng sakyan, ihulog mo sa Pasig River. Mamili ka. Maraming tulay diyan. Alas tres ng madaling araw, wala ng dumadaan diyan. Maski ano ihulog mo, wala na makialam diyan,” ani Duterte.
AFP, file

MANILA, Philippines — Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga online scammers ng face mask na ihuhulog sa Pasig River kasabay ng payo sa publiko na huwag magpaloko.

“Ang iyo diyan is i-deliver mo tapos tignan mo ‘yung maskara, kung hindi sang-ayon sa inorder mo, papasukin mo sa loob ‘yung nag-order ng mga --- ah nagdala ng mask, talian mo, pagkagabi maghanap ka ng sakyan, ihulog mo sa Pasig River. Mamili ka.  Maraming tulay diyan. Alas tres ng madaling araw, wala ng dumadaan diyan. Maski ano ihulog mo, wala na makialam diyan,” ani Duterte.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa gitna na rin ng kakapusan sa face mask na lubhang kailangan ngayong panahon na may COVID-19 na sinasamantala naman ng mga online scammers.

Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na dapat magduda kung ang nagbebenta ng online ay mula sa probinsiya katulad ng Pampanga at Abra dahil tiyak na wala itong produktong face mask.

“Do not go for that kind of s**t ‘yung magbili-bili kayo online, mask, tapos ka-text ninyo [na seller] is from Pampanga, from Abra. Saan man sila magkuha ng mask doon? Wala nga sa Maynila,” sabi ni Duterte.

Mas mabuti pa aniyang bumili dito sa Manila sa mga ”holdaper” dahil posibleng may stock pa ang mga ito.

Ayon pa kay Duterte, mas mabuti ring suriin muna ang binili online bago bayaran at huwag agad magpapadala ng pera.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with