^

Bansa

Free swab testing sa COVID lalarga na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Free swab testing sa COVID lalarga na
Sandaling lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magbibi­gay ito ng libreng Polymerase Chain Reaction (PCR) testing sa mga pasyente at healthcare workers na may sintomas at wala pero may history ng travel at contact sa isang hinihinalang may COVID; non-health frontliners na nagresponde sa COVID; mga taong may co-morbidities o may mga sakit na mas madaling tamaan ng virus, holder ng quarantine passes na siyang lumalabas ng bahay para bumili ng pangangailangan ng kanilang pamilya at iba pa.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Aprub na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas sa free swab testing sa COVID-19 ng mga “vulnerable” na miyembro ng lipunan tulad ng mga senior citizen, buntis, frontliners at iba pa.

Sa botong 240 pabor ay pinagtibay ang House Bill 6865 o Crushing COVID-19 Act na inisponsoran ng 80 mambabatas.

Sandaling lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magbibi­gay ito ng libreng Polymerase Chain Reaction (PCR) testing sa mga pasyente at healthcare workers na may sintomas at wala pero may history ng travel at contact sa isang hinihinalang may COVID; non-health frontliners na nagresponde sa COVID; mga taong may co-morbidities o may mga sakit na mas madaling tamaan ng virus, holder ng quarantine passes na siyang lumalabas ng bahay para bumili ng pangangailangan ng kanilang pamilya at iba pa.

Sa mga non-health frontliners ay mga pulis, sundalo, bumbero, barangay health workers at officials, mga nagtatrabaho sa piitan, nagtatrabaho sa swabbing at testing workers.

Samantala, ang mga banyaga na dumarating sa bansa ay kailangang sumailalim din sa PCR test at ang gastusin dito ay dapat ng mga itong bayaran.

 

vuukle comment

SWAB TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with