^

Bansa

P5.14 bilyong shabu, nasabat sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P5.14 bilyong shabu, nasabat sa Bulacan
Batay sa inisyal na ulat, pasado-alas-3 ng hapon nang salakayin ang warehouse na nasa Reley St., na nagresulta sa pagkaka-aresto ng Chinese national na si Yuwen Cai, at dalawang Pinay na sina Angela Miole Tulio at Lyn Miole Tulio.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG), Bulacan Police Provincial Office at Marilao Police nang makasamsam ng mahigit 756 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.14 bilyon sa isang drug raid sa Marilao, Bulacan nitong Huwebes.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Archie Francisco Gamboa, isa ito sa mga pinakamala­king drug hauls sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Batay sa inisyal na ulat, pasado-alas-3 ng hapon nang salakayin ang warehouse na nasa Reley St., na nagresulta sa pagkaka-aresto ng Chinese national na si Yuwen Cai, at dalawang Pinay na sina Angela Miole Tulio at Lyn Miole Tulio.

Ayon kay Gamboa, maaaring katiwala ng sindikato ng droga ang Chinese habang ang dalawang Pinay ay katulong nito sa warehouse.

Sinabi pa ni Gamboa na ang operasyon ay resulta ng surveillance ope­rations sa pamumuno ni PNP-DEG Director Brig. Gen Romeo Caramat Jr.

Nakuha sa naturang bodega ang may 63 kahon na naglalaman ng humigit-kumulang 756 kilo ng shabu.

Dahil sa napakalaking dami ng iligal na droga, sinabi ni Gamboa na ang shabu ay maaari ring sinadya upang maipamahagi sa Visayas at Mindanao.

Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng DEG at na­katakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with