^

Bansa

Pangatlong ayuda sa jeepney drivers pinag-aaralan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangatlong ayuda sa jeepney drivers pinag-aaralan
“Pinag-aaralan na po na bigyan ng pangatlong buwang ayuda ang mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay po dahil hindi pa po pinapayagang bumiyahe ang ating mga jeepney,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Presidential Communications, file

MANILA, Philippines — Dahil hindi pa rin pinapayagang mamasada, pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbibigay muli ng tulong pinansiyal sa mga driver ng jeep ngayong buwan.

“Pinag-aaralan na po na bigyan ng pangatlong buwang ayuda ang mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay po dahil hindi pa po pinapayagang bumiyahe ang ating mga jeepney,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nauna nang inihayag ni Roque kamakalawa na imposibleng makasunod sa social distancing ang pasahero ng mga jeep dahil magkakaharap ang pasahero ng mga ito.

May mga modernong jeep aniya ang posibleng payagang bumiyahe kung saan hindi magkakaharap ang mga pasahero.

“And we’re also considering the complete reconfiguration of the jeepney to comply with minimum health standards,” ani Roque noong Miyerkules.

Ayon pa kay Roque, prayoridad ng gobyerno sa ngayon na bigyan ng tulong ang mga tsuper ng jeep kaysa ibang sektor katulad ng entertainment industry.

Idinagdag ni Roque na kung may matitirang pera at saka titingnan kung puwedeng ibigay sa mga sektor na hindi rin makapag-hanapbuhay. “Titingnan po natin kung mayroon pang matitira at titingnan po natin iyan kung pupuwedeng ibigay doon sa mga sektor na hindi pa rin pupuwedeng maghanap-buhay under GCQ and MGCQ,” ani Roque.

Related video:

vuukle comment

JEEPNEY DRIVERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with