^

Bansa

Ulat ng UN: 'Seryosong' human rights violations resulta ng polisiya ng Pilipinas

Philstar.com
Ulat ng UN: 'Seryosong' human rights violations resulta ng polisiya ng Pilipinas
Makikita sa litrato ang mga pulis at nakahandusay na bangkay sa kalsada
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Nagdulot ng mga "seryosong" paglabag sa karapatang pantao ang aniya'y matinding focus ng gobyerno ng Pilipinas sa kanilang laban kontra droga at security threats, pahayag ng United Nations Human Rights Office.

Sa isang ulat sa Inggles, Huwebes, sinabi ng UN Human Rights Office na marami sa problema ng bansa ay "malinaw na nagmumula sa malawakan at sistematikong pagpatay sa libu-libong drug suspects."

"Bagama't maraming importanteng napagtagumpayagn sa karapatang pantao sa mga nagdaang taon, lalo na sa economic at social rights, ang pagtutuon ng pansin sa national security threats — makatotohanan man o pinalala — ay nauwi sa mga seryosong human rights violations, bagay na pinalalala ng mapaminsalang retoriko ng matataas na opisyal," sabi ng ulat.

"Ang focus na ito ay tumatagos sa pagpapatupad ng mga luma at bagong batas — madalas sa kapinsalaan ng karapatang pantao, karapatan sa due process, rule of law at accountability."

Taong 2019 lang nang bumoto ang UN Human Rights Council para iangkop ang resolusyon ng Iceland na nag-oobliga kay UN rights chief Michelle Bachelet para maghanda ng komprehensibong ulat sa lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas. Inaasahang iulat ng UN human rights chief ang kanyang mga obserbasyon sa ika-44 na sesyon ng konseho ngayong Hunyo 2020.

Una nang sinabi ng Philippine National Police na umabot na sa 5,601 na ang napapatay sa gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Gayunpaman, malayo 'yan sa taya ng Commission on Human Rights na 27,000. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

vuukle comment

HUMAN RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

UNITED NATIONS

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with