Ito ang binigyang diin ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar kaugnay sa isinasagawang pagdinig ng House committees on legislative franchises at public services and good government sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa renewal ng prangkisa nito.
Emmeline Aglipay-Villar, Instagram
Gabby Lopez, natural-born Pinoy – DOJ
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natural-born Filipino si ABS-CBN chairman emeritus Eugenio ``Gabby’’ Lopez III dahil ipinanganak ito sa Pilipinas kahit na ang gamit nito ay American passport .

Ito ang binigyang diin ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar kaugnay sa isinasagawang pagdinig ng House committees on legislative franchises at public services and good government sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa renewal ng prangkisa nito.

Ang naturang posis­yon ng DOJ na inihayag ni Usec. Aglipay-Villar via teleconference ay bilang tugon sa alegasyon ng mga tumututol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na labag sa Saligang batas ang foreign ownership sa mass media.

Binigyang diin ni Villar, ang petisyon laban kay Lopez na kung isa itong Filipino citizen ay “confirmatory and not a grant of citizenship’’, ang pagiging natural-born Filipino nito, dahil Filipino ang mga magulang nito.

“All he needed was to prove that his parents were Filipino citizens,” ani Villar. “The fact that he had a foreign passport is not an issue,’’ giit pa nito.

Si Lopez kasama  ang abogado nito na si Atty. Mario Bautista na humarap sa joint hearing via video conferencing app Zoom ay sinagot ang tanong ng mga kongresista para patunayan ang kanyang pagiging Filipino at ang commitment sa taumbayan.

“I stand by my record over the last 35 years. I have been committed to the people of this country. This is a trust that has been passed on to me by my father and his father before him,’’ giit ni Lopez.

Pinatunayan din ito ni Rep. Rufus Rodriguez, dating  immigration commissioner at isa sa mga awtor ng panukalang pagbibigay ng bagong prangkisa sa nasabing network, aniya hindi kailanman ni-renounce ni Lopez ang pagiging Filipino nito at nananatili itong Filipino.

Maging si Rep. Edcel Lagman ay iginiit na ang citizenship ni Lopez ay hindi dapat maging isyu para sa pagbibigay ng bagong prangkisa para sa ABS-CBN at hindi kailangan pang pagtalunan dahil ang katotohanan ay isa itong Filipino.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with