Layon ng HB 6817 na iniakda ni 6th District Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte na tuldukan ang diskriminasyon na nararanasan ng mga frontliners, OFWs at maging ang mga Person Under Investigation (PUIs) gayundin ang mga na-infect ng nasabing virus.
The STAR/Michael Varcas
COVID Anti-Discrimination Act lusot na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapasa na sa pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill 6817 o ang COVID-19 Related Discrimination Act na nagbabawal sa diskriminasyon laban sa mga frontliners partikular na sa health workers, service workers, OFWs at iba pa na may kinalaman sa COVID-19.

Layon ng HB 6817 na iniakda ni 6th District Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte na tuldukan ang diskriminasyon na nararanasan ng mga frontliners, OFWs at maging ang mga Person Under Investigation (PUIs) gayundin ang mga na-infect ng nasabing virus.

Isinulong ni Belmonte ang panukala dahil marami sa mga health workers partikular na ang mga doktor at nurses ang dumaranas ng matinding diskriminasyon sanhi ng COVID kung saan ay may mga napapalayas sa mga boarding house.

Habang ang iba naman ay pinagbabato pa at isang health worker sa Mindanao ang sinabuyan ng bleach at nameligrong mabulag bunga ng insidente. Gayundin ang isang ambulance driver na binaril sa Quezon dahil nagdadala umano ng virus.

Alinsunod rin sa nasabing panukala na walang sinuman sa mga public officer ang tatanggi o aabandonahin na tulungan ang mga pinaghihinalaang kumpirmadong COVID-19 patients.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with