Sa botong 173 pabor, 31 no at 29 abstain, pi­nagtibay sa Kamara ang House Bill 6875 o ang New Anti-Terror Bill Act na amyenda sa Human Security Act of 2007 upang palakasin pa ang ngipin ng batas kontra sa terorismo.
Michael Varcas
New anti-terror bill aprub na sa Kamara
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na kagabi sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kontro-bersyal na bagong Anti-Terrorism bill .

Sa botong 173 pabor, 31 no at 29 abstain, pi­nagtibay sa Kamara ang House Bill 6875 o ang New Anti-Terror Bill Act na amyenda sa Human Security Act of 2007 upang palakasin pa ang ngipin ng batas kontra  sa terorismo.

Una nang sinertipikahan ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang Anti-Terror Bill bilang urgent  upang maprotektahan ang pambansang seguridad at kapakanan ng publiko kaya minadali ng mga mambabatas ang pagpapasa nito.

Ang Anti-Terror Bill ay inaprubahan sa ikatlong pagbasa, isang araw lamang matapos itong makalusot sa ikalawang pagbasa.

Nag-convene ang House Committees on Public Order and Safety sa pamumuno ni 1st District Iloilo Rep. Raul Tupas at Defense and Security sa pamumuno naman ni Masbate Rep Narciso Bravo para i-adopt ang bersyon ng Senado.

Sa kaniyang negatibong boto, ipinaliwanag ni 1st District Albay Rep Edcel Lagman, maraming butas ang nasabing panukalang batas na maaaring gamitin sa oposisyon na kalaban ng administrasyon.

ANTI-TERROR BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with