Ang 68-anyos na si ABS-CBN Corp. chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Mario Bautista ay umamin na sa kanyang dual citizenship status bilang Filipino citizen at ipinanganak na Filipino dahil sa kanyang magulang at sa American citizen dahil sa ipinanganak siya sa Estados Unidos.
The STAR/File
Lopez, nagisa sa franchise hearing
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagisa sa pagdi­nig ng House Commi­ttees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountabi-lity si ABS-CBN Corp. chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III kaugnay sa kanyang ci­tizenship na naging pa-ngunahing isyu sa prangkisa ng giant network.

Sa nasabing pagdi­nig ay tinanong ng mga miyembro ng komite ang tungkol sa kanyang ci-tizenship at mga alegasyon noong siya pa ang namumuno ng network gayundin sa ownership at company shares na umano’y pag­labag sa konstitusyon at terms ng mga nakaraang franchise nito.

Ang 68-anyos na si Lopez sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Mario Bautista ay umamin na sa kanyang dual citizenship status bilang Filipino citizen at ipinanganak na Filipino dahil sa kanyang magulang at sa American citizen dahil sa ipinanganak siya sa Estados Unidos.

May hawak din siya ng pasaporte ng Pilipinas at Estados Unidos.

Dahil sa pag-amin kaya tinanong ng mga kongresista kung ang isang dual citizen ay maaaring magmay-ari ng isang mass media company sa gitna ng mahigpit na constitutional provision na 100 percent control and ownership sa mass media ay dapat Filipino.

“Undeniably, Gabby Lopez is a natural-born [Filipino] citizen, but he is also an American citizen by virtue of ju soli applied in the American law. Ang tanong po is whether a dual citizen can own a mass media company,” ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin.

Para naman kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor na ang dual citizenship ni Lopez ay nagdulot ng pagdududa sa tunay na pananalig at sinumpaan nito sa Pilipinas, kaya dapat ay diskwalipikado siya sa pag-aari ng isang mass media company.

Para naman kay Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla, lumalabas na si Lopez nga ay isang “half-Filipino at half-American.”

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with