P1 milyong sa pamilya ng mga namatay na health workers pinamamadali
Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng bigyan ng deadline at ipamadali ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng  benepisyo sa pamilya ng mga namatay na health workers dahil sa COVID-19 na hindi bababa sa P1 milyon bawat isa.

Sa ilalim ng Bayanihan law, maaaring makaku-ha ng P100,000 ang frontline health workers kapag nadapuan ng COVID-19 at P1 milyon para sa mga namatay.

Ngayong Huwebes, inaasahan ni Roque na magbibigay ng deadline ang Pangulo sa mga ki­na­uukulang ahensiya ng gobyerno para mailabas na ang mga benepisyo sa ilalim ng Bayanihan Law.

Kasama ang ilang miyembro ng Gabinete at Inter-Agency Task Force, personal na pupuntahan ni Roque  sa Davao City ang Pangulo.

Nauna rito, nagpahayag nang pagkadismaya ang ilang senador nang malaman na wala pa kahit isa sa health workers na tinamaan ng COVID-19 ang nakatanggap ng benepisyo na dapat ibigay sa kanila at sa kanilang pamilya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with