7 local hospital bills ni Go aprub sa Senado
(Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong local hospital bills na inisponsoran ni Senate committee on health and demography chair, Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Senado.

Ang mga nasabing panukalang inihain ni Go ay may layong maisaayos ang pagbibigay ng serbisyong medical at healthcare sa Filipino sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kinabibilangan ito ng pagtatayo ng Bicol Women’s and Children’s Hospital sa Camarines Sur, pagsasaayos o pagpapabuti ng Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City; Western Visayas Medical Center sa Iloilo City; Siargao District Hospital sa Surigao del Norte; Malita District Hospital sa Davao Occidental; Las Piñas Gene-ral Hospital and Satellite Trauma Center sa Las Piñas City at Cagayan Valley Medical Center sa Cagayan.

Ayon sa senador, kinakailangang mapa-lakas o maiayos ang mga lokal na ospital lalo ngayong may pandemya.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi niya na batay sa datos mula 2018, 65 porsiyento o 284 sa 437 pampublikong ospital ang lumampas na sa limit sa usaping bed capacity at patient admittance.

Ipinahayag ang kanyang malasakit sa kapa-kanan ng mga pasyenteng Filipino, ang overcrowding issue sa mga provincial hospital ay naging malaking suliranin na dahil na rin sa global health crisis.

CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with