Anti-terror bill protest dinala sa kalsada ng mga grupo, 'di nagpatinag sa COVID-19
James Relativo (Philstar.com) - June 3, 2020 - 4:18pm

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) at restriksyon sa "mass gatherings" ang ilang militanteng grupo upang magtipon laban sa anti-terror bill, na nagsisilbing atake diumano sa demokrasya.

Bandang 1:15 p.m. nang magmartsa sa UP Diliman ang nasa 200 kabataan, guro at manggagawa para maibasura ang House Bill 6875, bagay na kapapasa lang sa second reading ng Kamara.

 

 

Humaharap ngayon sa kritisismo ang naturang panukala, dahil sa isyu ng "warantless arrests," surveillance at habambuhay na pagkakakulong kahit "masyadong malawak" diumano ang pakahulugan sa terorismo.

Basahin: ‘Anti-terror’ bill defines terrorism vaguely but has clear and specific dangers

Pangamba tuloy nila, maaari itong magamit laban sa mga ligal na aktibista't kritiko ng gobyerno.

"The Anti-Terrorism Bill is a reading away from being passed by the House of Representatives. We appeal to the conscience of our legislator, especially the authors, to reject this piece of legislation," ayon sa pahayag ng Kabataan party-list, Miyerkules.

"We are under a pandemic; you should prioritize the health and the welfare of the people, not the quelling of freedom of speech and other constitutionally-guaranteed rights, the silencing of critics and dissenters, and worst, the curtailment of our human rights."

Inilunsad 'yan ng grupo kahit na inaresto pa lang ang anim na tsuper ng jeep ng grupong PISTON, na nagprotesta kahapon para makabalik-pasada sa gitna ng general community quarantine (GCQ).

Dagdag ng grupo, mas mainam na unahin ng gobyerno ang libreng mass testing kontra COVID-19 kaysa pag-aksayahan ng oras ang "paglabag sa karapatang pantao."

Nagkaisa naman ang nasa 52 environmental organizations para batikusin ang panukala, bagay na magpapatindi raw sa "red-tagging," "pananakot" at panggigipit sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

"In fact, at least 172 defenders working on mining, coal, and climate concerns have been subjected to various human rights violations during the past two months of COVID lockdown," ayon sa petisyon, na nilahukan din ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE).

VP Leni Robredo pumalag na rin

Samantala, hindi na rin nakapagpigil ang ikalawang pangulo na kastiguhin ang panukala, kahit na ipina-"certify as urgent" na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na "pagkain, ayuda at mass testing para makapagtrabaho muli" ang daing ng marami matapos ang lockdown, kung kaya't kataka-taka aniya na iba ang inuuna ng administrasyon.

"Ang masasabi natin ukol sa Anti-Terrorism Act of 2020: Wala ni isa sa mga nabanggit kong pangangailangan ang matutugunan ng batas na ito," ani Robredo.

"Ang tanong ko nga: Terorismo ba talaga ang tuon ng Terror Bill? O gusto lang nitong bigyan ng kapangyarihan ang estado para bansagang terorista kung sino man ang kanilang gusto?"

Una nang sinabi ni Duterte na pinabibilis niya ang pagpapasa ng nasabing panukala para mas mahusay na makatugon laban sa banta ng terorismo.

"[This is] to address the urgent need to strengthen the law on anti-terrorism in order to adequately and effectively contain the menace of terrorist acts for the preservation of national security and the promotion of general welfare," banggit ng presidente.

Kanina lang nang tiyakin ni Senate President Vicente Sotto III na maraming "safeguards" ang panukala, at hindi sasaklawin ang mga advocacy groups at nagproprotesta sa kalsada.

Una nang pumasa sa Senado ang counterpart nitong Senate Bill 1093, dahilan para antayin na lang ang third and final reading ng HB 6875 sa Mababang Kapulungan.

ANTI-TERROR BILL HUMAN RIGHTS KABATAAN PARTY-LIST LENI ROBREDO PROTEST RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with