Nagbabala si Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring ipasara ng Department of Trade and Industry at Department of Tourism ang hindi susunod na mga establisimyento.
Philstar.com/Era Christ Baylon
Dine-in pwede na sa MGCQ
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dine-in ope­rations sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Pero agad na nili­naw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi nanga­ngahulugan na maaari ng magpiyesta at mag-inuman dahil kaila­ngan pa rin sumunod sa health protocol.

Nagbabala si Roque na maaaring ipasara ng Department of Trade and Industry at Department of Tourism ang hindi susunod na mga establisimyento.

Para sa non-single use menu, dapat ay ieskortan ng empleyado ng restaurant ang mga papasok na customers para sa assigned table na may corresponding number.

“Pipili ng order sa menu na nakalagay sa mesa o sasabihin sa order taker na may isang metro na social distancing. Ang customer at server ay kailangang mag-sanitize ng kamay pagkatapos mag-order at magbayad,” detalye ni Roque.

Sa mga service stations, walang buffet at self-service areas para sa food bars, condiments at utensils.

Kailangan ding mag­la­gay ng lugar sa take-away or pickup at maglagay ng hiwalay na lababo para sa handwashing ng kitchen staff at ng dine-in customers.

Wala ring physical contact habang nagbabayad, dapat mag­lagay ng maliit na tray sa pagtanggap ng pera o mag-alok ng alternative modes of payment kung applicable, regular na sanitation ng high contact areas tulad ng hawakan ng pinto, common tables at iba pa.

Nilinaw ni Roque na 50% capacity pa lamang ang pinapayagan simula noong Hunyo 1 sa mga MGCQ pero hindi pa pinapahintulutan ang dine-in sa mga GCQ at kailangan pang maghintay ng mga susunod na announcements.

DINE-IN MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with