Ayon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, kamakalawa ng gabi ay nagpalabas na si Secretary Carlito Galvez, chief implemen­ter ng National Policy laban sa COVID-19, ng kautusan na nagsasaad na pinahihintulutan na ang domestic commercial aviation.
STAR/Rudy Santos, file
Domestic flights ok na sa GCQ areas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinahihintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga domestic flights na magpatuloy ng operasyon sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kamakalawa ng gabi ay nagpalabas na si Secretary Carlito Galvez, chief implemen­ter ng National Policy laban sa COVID-19, ng kautusan na nagsasaad na pinahihintulutan na ang domestic commercial aviation.

Gayunman, kina­ka­ilangan pa rin na aprubado ito ng concerned local government units.

Nauna rito, ilang LGUs ang tumatanggi pang tumanggap ng domestic flights kahit nasa GCQ na ang kanilang lalawigan dahil sa pa­ngambang mapasukan ng COVID-19.

Ayon naman kay DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development Giovanni Lopez, nagkaroon lang ng kaunting isyu pagdating sa mga lokal na pamahalaan. 

Nagpulong na aniya ang DOTr at National Task Force at napagdesisyunan na uunahin na lang ang mga lokal na pamahalaan na gusto at handang tumanggap ng domestic flight.

DOMESTIC FLIGHTS GCQ IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with