Inihalimbawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang insulin glulisine na araw-araw kailangan ng isang diabetic na pasyente na may halagang P818.75 kada pre-filled pen ay magkakahalaga na lamang ng P435.18. Kung senior citizen ang bibili, meron pa siyang 20% diskuwento kaya P336.14 na lamang ang halaga nito.
STAR/KJ Rosales, file
50% bawas sa presyo ng 87 gamot ipinatupad ng DOH
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinatupad na ng Department of Health ang 50% bawas sa presyo ng nasa 87 gamot para sa malulubhang karamdaman tulad ng kanser at maintenance medicines.

Ang Executive Order No. 104 ay nagtatakda ng Maximum Retail Prices (MRP) sa 87 gamot o 133 formulations. 

Sakop ng kautusan ang mga gamot para sa hypertension, diabetes, breast, colorectal at lung cancers, chronic kidney disease, hika o chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Inihalimbawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang insulin glulisine na araw-araw kailangan ng isang diabetic na pasyente na may halagang P818.75 kada pre-filled pen ay magkakahalaga na lamang ng P435.18. Kung senior citizen ang bibili, meron pa siyang 20% diskuwento kaya P336.14 na lamang ang halaga nito.

Sinabi ng DOH na naapektuhan rin ang pharmaceutical industry ng pandemya ngunit ginawan naman ng panuntunan ng pamahalaan na makabawi ito. 

Pinasalamatan ni Duque ang industriya ng gamot sa pakikipagtulungan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagtiyak sa ‘access’ ng publiko sa mga medisina.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with